Company Advisory Group for Police Transformation and Development, nakiisa sa Community Outreach Program

Sultan Kudarat – Muli na namang nakiisa ang mga miyembro ng Company Advisory Group for Police Transformation and Development sa inilunsad na community outreach program ng PNP sa Purok Beso Day Care Center, Barangay Buenaflor, Tacurong City, Sultan Kudarat nito lamang ika-17 ng Oktubre 2023.

Ang naturang programa ay pinangunahan ng 1st Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company. Libreng meryenda naman ang inihandog sa mga kabataang mag-aaral habang isang blackboard naman ang tinanggap ng naturang paaralan mula sa ating kapulisan.

Ibinahagi rin ng mga awtoridad ang kanilang kaalaman patungkol sa mga batas na pomoprotekta sa ating mga kabataan at kababaihan. Pasasalamat at ngiti naman ang ganti ng mga benepisyaryo sa natanggap nilang tulong.

Giit naman ng naturang grupo na patuloy silang maghahatid ng kasiyahan at ngiti sa kabataan na siyang pag-asa ng bayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *