KALIGKASAN Warrior, nakiisa sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity sa Bacacay Albay

Bacacay ,Albay- Nakilahok ang mga miyembro ng KALIGKASAN Warrior sa isinagawang Coastal Clean-up Drive Activity sa Coastal Clean Up Drive at Barangay 1 Bacacay Albay nito lamang ika-22 ng Oktubre 2023.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng mga personahe ng Bacacay Municipal Police Station sa ilalim ng pamumuno ni PMaj Karlo P Dy, Officer-In-Charge,Bacacay MPS. Tulong tulong ang bawat-isa sa paglilinis at pagkuha ng mga basura malapit sa dalampasigan upang masiguro na hindi na ito mapunta patungo sa karagatan.

Patuloy ang KALIGKASAN Warrior na makiisa sa layunin ng Pambansang Pulisya na alagaan protektahan at pangalagaan ang mga dalampasigan upang mapanatili ang kagandahan ng ating likas na yaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *