Basketball Friendship game, isinagawa sa MisOcc

Nagtagisan ng galing ang mga residente ng Barangay Roxas at Revitalized Pulis sa Barangay Aloran sa isinagawang basketball friendship game na ginanap sa Barangay Roxas, Aloran, Misamis Occidental nito lamang Sabado, Nobyembre 11, 2023.

Sa naturang basketball game ay sinubok ang pagkakaisa ng bawat team. Naging tagumpay ang aktibidad sa pangunguna ni Police Corporal Jaycob S Morad, Team Leader ng R-PSB Aloran, Misamis Occidental.

Ang aktibidad ay bunga ng magandang ugnayan ng kapulisan at mamamayan tungo sa isang mapayapa at maunlad na pamayanan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *