BPATs ng Brgy. Runruno Nueva Viscaya, pinangunahan ang Clean-up Drive Activity

Muling ipinakita ang pagiging aktibo at dedikasyon ng Barangay Peacekeeping Action Teams(BPATs) sa kanilang isinagawang clean-up drive activity sa Provincial Road Barangay Runruno, Nueva Vizcaya noong Nobyembre 11, 2023 bandang 7:30 ng umaga.

Katuwang sa naturang aktibidad ang hanay ng kapulisan ng 3rd Maneuver Platoon, 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Company sa pangunguna ni PSSg Julius Molinar.

Maging ang Civilian Active Auxillary (CAFGU) ay nakibahagi din upang ipakita ang pagsuporta sa magandang hangarin ng naturang aktibidad sa nasabing barangay.

Layunin ng aktibidad ang pagpapaigting at pagtiyak sa seguridad ng mamamayan sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan tungo sa maayos at ligtas na lipunan. Dagdag pa dito, nasisiguro din ang abot kamay na suporta sa pagtutulungan at pagdadamayan ng mamamayan sa pagkamit ng payapang kapaligiran.

Source: NVPMFC PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *