Kaligkasan Warrior nakiisa sa Tree Planting Activity sa Casiguran, Aurora

Nakiisa ang mga Kaligkasan Warrior sa isinagawang Tree Planting Activity sa dalampasigan ng Sitio Pudoc, Barangay Dibacong Casiguran, Aurora nito lamang Martes, ika-21 ng Nobyembre 2023.

Kasama rin sa aktibidad ang mga tauhan ng Aurora 2nd Provincial Mobile Force Company, Force Multipliers, Women Sector, Kabataan Kontra Droga at terorismo (KKDAT), Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at mga opisyal ng barangay.

Nagtulungan sa pagtatanim ng puno ng mangrove upang magsilbing tirahan ng mga isda at makatulong sa pagbabalik-sigla sa ating kapaligiran.

Patuloy ang mga Kaligkasan Warrior sa pakikiisa sa mga aktibidad na nagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran at pangangalaga ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *