Advocacy Support gGroups at force multiplier, nakiisa sa Coastal Clean-up Drive

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng advocacy support groups at force multiplier sa isinagawang coastal clean-up drive sa Barangay Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang ika-25 ng Nobyembre 2023.

Naging katulong ng nasabing grupo ang mga miyembro ng Cagayan de Oro City Police Office, Regional Medical and Dental Unit 10, Bureau of Fire Protection 10, at mga kabataan.

Sako-sakong basura ang nakuha sa baybayin na naging problema sa pagbara at nagresulta sa masangsang na amoy sa lugar.

Patuloy ang iba’t-ibang grupo sa paglilinis ng dalampasigan sa Cagayan de Oro City upang mapanatili ang malinis at maayos na kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *