Tree Planting Activity isinagawa sa Santa Ignacia, Tarlac

Nagtulungan ang pulisya at mga mamamayan sa isinagawang Tree Planting Activity sa Sta. Ines National High School, Barangay Sta. Ines, Santa Ignacia, Tarlac nito lamang Biyernes, ika-24 ng Nobyembre 2023.

Dinaluhan ito ng mga tauhan ng Santa Ignacia Municipal Police Station, mga guro at mag-aaral ng naturang paaralan.

Tulong-tulong silang nagtanim ng iba’t ibang uri ng punong-kahoy sa paligid ng eskwelahan.

Ang aktibidad ay naglalayong mapangalagaan ang kalikasan at mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *