Feeding Program isinagawa ng Moral Recovery Officers Foundation Incorporated (MROFI) at Nourish Children Ministry

Nagsagawa ng feeding program ang mga bumubuo ng Moral Recovery Officers Foundation Incorporated (MROFI) at Nourish Children Ministry sa Pelaez Sports Center, Don Apolinar Velez St., Cagayan de Oro City nito lamang ika-27 ng Nobyembre 2023.

Ayon kay Police Colonel Salvador N Radam, Hepe ng Cagayan de Oro City Police Office, ang nasabing aktibidad ay isinagawa kasabay ng pagdiriwang ng Jesus Reign sa buong bansa at dinaluhan ng mga miyembro mula sa iba’t ibang bayan ng Misamis Oriental.

Nagbigay ng mga pagkain, juice at mga tubig sa nasabing pagdiriwang ang Moral Recovery Officers Foundation Incorporated (MROFI) katuwang ang Nourish Children.

Ang mga kaagapay sa paniniwala kabilang PNP Ay nagtutulungan at nagkakaisa para palagalapin ang mga salita ng Diyos, na siyang ating lumikha.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *