Officer’s Ladies Club naghatid ng tulong sa mga katutubo ng San Luis, Aurora

Naghatid ng tulong ang mga miyembro ng Officer’s Ladies Club ng Aurora Police Provincial Office para sa ating mga katutubo na nakatira sa Barangay Dibut, San Luis, Aurora nito lamang Lunes, ika-27 ng Nobyembre 2023.

Pinangunahan ito ni Mrs. Devy Pascual, Adviser katuwang ang mga tauhan ng Aurora Police Provincial Office, 1st Provincial Mobile Force Company, San Luis Municipal Police Station at mga opisyal ng barangay.

Namigay ng pagkain, hygiene kits at mga pocketbooks para sa mga 100 na katutubong Dumagat. Ang aktibidad ay naglalayong makapaghatid ng saya sa ating mga katutubo na nakatira sa liblib at malalayong lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *