Force Multipliers nakiisa sa Feeding Program sa Mabalacat City, Pampanga

Nakiisa ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang feeding program para sa mga mag-aaral ng Pila Elementary School sa Barangay Duquit, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Miyerkules, ika-29 ng Nobyembre 2023.

Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Mabalacat City Police Station sa pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Alfredo DL Canlas, Acting Chief of Police.

Namahagi ng libreng lugaw at gardenia bread ang mga naturang grupo na naglalayong makapaghatid ng saya sa mga bata at maging aktibo sa kanilang pag-aaral.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *