Tree Planting Activity, nilahukan ng Force Multipliers sa NegOr

Negros Oriental – Nilahukan ng mga miyembro ng Force Multipliers ang isinagawang Tree Planting Activity sa Barangay Buenavista, Guihulngan City, Negros Oriental nito lamang Martes, ika-5 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Romeo G Cubo, Acting Chief of Police ng Guihulngan City Police Station, katuwang ang mga guro at mag-aaral ng Buenavista Elementary School.

Sa pagkakaisa ng grupo ay naitanim ang nasa 50 na piraso ng iba’t ibang uri ng halaman.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang iba pang kabataan at mamamayan sa kanilang nasasakupan upang makiisa sa aktibidad at pagyamaning muli ang ganda ng ating inang kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *