MBK-LC at Valley Cops, nagsagawa ng Spiritual Gathering sa bayan ng Solana

Nagsagawa ng Squad Weekly Interactive Meeting (SWIM) Enhancement and Alignment Seminar ang mga miyembro ng My Brother’s Keeper-Life Coach (MBK-LC) at kapulisan ng Cagayan Valley sa Solana Gymnasium, Barangay Centro Solana, Cagayan noong ika-05 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major General Mao Aplasca (Ret), SWIM Core Advocate, na dinaluhan ng dalawang pangkat na kinabibilangan ng “Pastor Ng Panginoon” at “Pulis Ng Panginoon”.

Ang naturang spiritual gathering ng mga Pastor ay mula sa iba’t ibang relihiyon na maging bahagi ng moral enhancement upang lalo pang mapaigting ang magandang ugnayan ng pulisya at komunidad.

Naghatid ng inspirational message si PMGen Aplasca (Ret) na kung saan binigyang-diin niya na ang regular na pagsasagawa ng mga SWIM ay nagkakaroon ng Organization Change and Transformation Change sa PNP na lalong nagpapatibay nang spiritual aspect ng mga kapulisan upang maging maayos ang paninilbihan sa komunidad at relasyon sa kani-kanilang pamilya.

Sa isinagawang aktibidad ay laking pasasalamat ng mga kapulisan dahil naging parte sila ng programa at maihatid din nila ang kanilang journey mula pa noong nagsimula ang squad weekly interactive meeting para maging inspirasyon sa iba.

Source: Cagayan PPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *