Advocacy Support Group, nagsagawa ng feeding program sa Aklan

Aklan- Nagsagawa ng feeding program ang mga miyembro ng advocacy support group sa mga bata ng Brgy. Yapak, Malay, Aklan nito lamang ika-15 ng Disyembre 2023.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng advocacy support group katuwang ang Malay Municipal Police Station, Boracay Sean Group of Companies, Inc. na dinaluhan ng mga kabataan ng nasabing lugar.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng YOUthCAREproject-Boracay na pinamumunuan ni Hon. Arra Mae S. Absalon na kung saan ay mahigit sa limampung (50) kahon ng pagkain na naipamahagi sa mga kabataan na kanila namang ikinabusog.

Ang pagsisikap at dedikasyon ng grupo sa pagtulong sa mga nangangailangan ay patuloy na nagbibigay inspirasyon sa iba na maglingkod at magbigay ng kabutihan sa kapwa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *