Community Outreach Program isinagawa sa Limay, Bataan

Nakiisa ang pulisya at Faith-Based Volunteer sa isinagawang Community Outreach Program sa Sitio Mamala, Barangay St. Francis 1, Limay, Bataan nito lamang Sabado, ika-16 ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Bataan 2nd Provincial Mobile Force Company kasama si Pastor Albert Lansang, Faith-Based Volunteer.

Nagbigay kaalaman ang pulisya patungkol sa mga batas at binahagi ni Pastor Lansang ng mga salita ng Diyos.

Namigay din ng mga food packs para sa mga lumahok sa aktibidad.

Patuloy ang pagtutulungan ng pulisya at Faith Based Volunteer upang makapaghatid ng tulong at mapalaganap ang mga salita ng Diyos sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *