KKDAT Mt. Province lumahok sa Clean-up Drive

Lumahok ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo Mt. Province Chapter sa isinagawang Clean-up Drive ng DILG sa Brgy. Caluttit, Bontoc, Mountain Province nito lamang ika-6 na araw ng Enero 2024.

Ito ay kasabay ng Annual Development Day at Launching ng DILG’s KALINISAN Program (Kalinga at Inisyatibo para sa Malinis na Bayan). Kabilang din sa lumahok ang mga miyembro ng Sangguniang Kabataan, Bontoc PNP at mga residente ng nasabing lugar.

Ang nasabing aktibidad ay naglalayon na pagsamahin ang lahat ng pagsisikap ng pamahalaan na mapanatili at magbigay ng kalusugan at ligtas na kapaligiran para sa lahat sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga yunit ng lokal na pamahalaan at pagpapagana ng partisipasyon ng komunidad lalo na ang kabataan na nakaangkla sa tradisyon ng ‘’bayanihan’’.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *