Faith-Based Advocacy Group, nagdaos ng Children’s Ministry at Feeding Program sa Carles, Iloilo

Iloilo – Nagdaos ng Children’s Ministry at Feeding Program ang mga miyembro ng Faith-Based Advocacy Group sa mga kabataan ng St. John The Baptist Village, Brgy. Barosbos, Carles, Iloilo nito lamang ika-27 ng Enero 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ni Pastor Jan Entatano, Life Coach/Faith-Based Leader kasama ang mga tauhan ng Carles Municipal Police Station at mga youth volunteers.

Kasama sa isinagawang aktibidad ang pamamahagi ng salita ng Diyos na nagdudulot ng moral na gabay at espiritwal na pagpapalakas sa mga residente na sinundan ng pamimigay ng libreng meryenda na kung saan ay nagbigay ng kaligayan sa mga kabataan.

Ang nasabing aktibidad ay nagpapakita ng patuloy na pagtutulungan ng faith-based advocacy group, pulisya at youth volunteers para sa kabutihan at kaunlaran ng komunidad ng Carles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *