Miyembro ng Advocacy Suppport Groups, nakiisa sa Coastal Clean – Up Drive sa Cebu

Masugid na nakiisa ang mga miyembro ng Advocacy Support sa pagsasagawa ng coastal clean-up drive sa Brgy. Santo Niño, Malabuyoc, Cebu noong ika-24 ng Enero 2024.

Ang aktibidad na pinangunahan ng mga tauhan ng Malabuyoc Municipal Police sa pamumuno ni PCpt Arja P Grondiano, Officer-In-Charge, na aktibong sinuportahan ng Lokal na Pamahalaan ng Malabuyoc, Barangay Health Worker, Brgy Base Organization- Fisherman, Womens Group, at mga opisyales ng naturang lugar.

Bunga nagkakaisang hangarin na maprotektahan at mapangalagaan ang kagandahan at likas yaman na taglay ng karagatan, sako-sakong basura ang nalikom sa pagsulong ng grupo ng aktibidad.

Kanila namang hinimok ang publiko sa suporta at pakikiisa sa pagiging responsable sa pagtatapon ng mga basura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *