Kasimbayanan Faith Based Leaders, nakiisa sa Children’s Education Development Program
Aktibong nakiisa ang Kasimbayanan Faith Based Leaders sa Children’s Education Development Program sa Otucan Elementary School, Otucan Sur, Bauko, Mountain Province nito lamang ika-24 hanggang 25 ng Enero 2024.
Kasama rin sa may aktibong partisipasyon ang 1st Mountain Province Provincial Mobile Force Company, iba’t ibang stakeholders mula sa Bauko MPS, at MDRRMC-Bauko.
Sa dalawang araw na aktibidad, may kabuuang 169 na mag-aaral ang nakinabang. Ito ay binubuo ng mga lecture tungkol sa anti-criminality, ilegal na droga at insurgency, mental health awareness, basic first aid, physical activities, reflections, libreng gupit at team building.
Ang nasabing aktibidad ay nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na bumuo at mapahusay ang mga kasanayan sa pamumuno sa murang edad.
Ang mga aktibidad sa kapaligiran tulad ng Clean-up Drive at pagtatanim ng mga punong namumunga ay kabilang sa mga aktibidad na nilahukan hindi lamang ng mga mag-aaral kundi maging ng mga guro.
Ipinipahiwatig lamang nito na ang pagtutulungan ay kailangan para sa magandang kinabukasan ng ating bayan.