Pamamahagi ng libreng tinapay, idinaos sa Mabalacat, Pampanga

Naghandog ang Vitabread Food Products Inc. ng masarap na Gardenia bread para sa mga miyembro ng TODA ng Dau Homesite Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga nito lamang Sabado, ika-27 ng Enero 2024.

Katuwang sa pamimigay ang mga tauhan ng Mabalacat City Police Station sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Alfredo DL Canlas, Acting Chief of Police.

Lubos na ikinatuwa at ipinagpasalamat ng mga TODA ang ibinahaging loaf bread dahil sa patuloy na pagtutulungan ng mga stakeholders at pulisya sa paghahatid ng tulong sa mga mamayan lalo na sa mga lubos na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *