Community Outreach Program, isinagawa sa Siquijor

Siquijor, Siquijor – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Eye Land Vision kasama ang ilang pribadong sektor sa mga residente ng Luyang, Siquijor, nito lamang Sabado, Pebrero 3, 2024.

Ang aktibidad ay inisyatiba ni Dra. Wheena Grace Onanad Cabanlit na nilahukan ng mga tauhan ng Siquijor Provincial Police Office sa pamumuno ni Police Colonel Robert D Lingbawan, Provincial Director.

Kabilang sa mga lumahok ay ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard at mga kawani ng nasabing barangay.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng bigas, pagkain at meryenda.

Nahandugan din sila ng libreng eye check-up at libreng reading glasses. Bukod pa serbisyong hatid ay may mga benipisyaryong nanalo ng iba’t ibang klase ng sporting goods sa raffle draw.

Patuloy ang pagkakaisa iba’t ibang sektor upang makapaghatid ng pangunahing serbisyo sa mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *