KKDAT, nagsagawa ng Outreach Program sa Tantangan, South Cotabato

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na ginanap sa Tantangan Central Elementary School, Poblacion, Tantangan, South Cotabato nito lamang Enero 5, 2024.

Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng KKDAT Tantangan Chapter katuwang ang Tantangan Municipal Station at mga guro ng Tantangan, Central Elementary School na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.

Mahigit sa 200 katao ang nakatanggap ng munting regalo at masustansyang pagkain. Layunin ng programa na makatulong sa mga kabataang mag-aaral ng Tantangan, Central Elementary School na higit na nangangailangan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *