Katarungang Pambarangay Seminar, nilahukan ng BPATs at ibang grupo sa Sta. Cruz, Zambales

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at iba pang grupo sa seminar ukol sa Katarungang Pambarangay na ginanap sa Barangay Lipay, Sta. Cruz, Zambales nito lamang Biyernes, ika-5 ng Pebrero 2024.

Ang naturang seminar ay pinangunahan ng mga tauhan ng Sta. Cruz Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Major Noemi D Diaz, Chief of Police. Natalakay sa seminar ang tungokl sa Katarungang Pambarangay, First Responder at BIDA.

Natuto din ang mga kalahok ng tamang handcuffing technique. Layunin ng seminar na hubugin at madagdagan ang kaalaman ng mga kalahok upang maayos magampanan ang kanilang mga tungkulin sa pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan sa kanilang nasasakupan.

Source: Sta Cruz Municipal Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *