Coastal Clean-up Drive, nilahukan ng Advocacy Support Group at Force Multipliers sa Negros Oriental

Nilahukan ng mga miyembro ng Advocacy Support Group at Force Multipliers ang isinagawang Coastal Clean-up drive sa Barangay Actin, Basay, Negros Oriental noong Pebrero 7, 2024.

Katuwang sa paglilinis ng baybayin ang lokal na pamahalaan ng Basay, Advocacy Support Group, 4th Special Operation Units ng PNP Maritime, at Basay Municipal Police Station sa pamumuno ni Police Captain Alfred Vicente A Silvosa, Officer-in-Charge.

Patuloy naman ang paghimok ng grupo sa publiko na makiisa sa mga aktibidad ng gobyerno sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran at pagpapanumbalik ng kagandahan ng kalikasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *