RAGPTD2 Transformation Half Marathon 2026, pinagtibay ang pagkakaisa at police transformation
Isinagawa ng Regional Advisory Group for Police Transformation and Development 2 (RAGPTD2) ang Transformation Half Marathon 2026 noong Setyembre 12, 2026 sa SM City Tuguegarao, na nilahukan nina Police Regional Office 2 (PRO2) Regional Director PBGen Mariano C. Rodriguez at Mrs. Beverly Rodriguez, kasama ang mga tauhan ng PRO2.
Nakiisa rin sa aktibidad si PCol Julio R. Go, Chief Regional Staff, kasama ang mga miyembro ng Regional Staff, iba pang police officers, at Police Non-Commissioned Officers (PNCOs), na sama-samang tumakbo bilang pagpapakita ng suporta sa programa ng RAGPTD2.

Naging tampok sa aktibidad ang pagsusulong ng physical fitness, wellness, camaraderie, at pagkakaisa ng mga kalahok, habang higit ding pinatitibay ang ugnayan ng kapulisan at mga stakeholders sa pagsusulong ng makabuluhang pagbabago at pagpapaunlad sa organisasyon.
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na sinusuportahan ng PRO2 ang mga programa ng RAGPTD2 na nagtataguyod ng teamwork, healthy lifestyle, at matibay na police-community partnership tungo sa mas responsive na police service.
Source: https://www.facebook.com/share/p/1DtRaEQuqv/