RHPU-NCR nagsagawa ng community outreach program sa Bahay Kalinga at Bahay Aruga

0
Screenshot-2026-09-13-135211

Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Regional Highway Patrol Unit–National Capital Region (RHPU-NCR) sa Bahay Kalinga at Bahay Aruga bilang bahagi ng kanilang patuloy na pagsusulong ng malasakit, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at serbisyong nakasentro sa mamamayan.

Pinangunahan ni PLTCOL Elmer L. Bao, Deputy Regional Chief ng RHPU-NCR, sa ilalim ng pangangasiwa ni PCOL Israel P. Mori, Regional Chief, ang naturang aktibidad na naglalayong makapaghatid ng tulong at saya sa mga benepisyaryo.

Namahagi ang RHPU-NCR ng food packs sa 20 nakatatanda na naglalaman ng Lucky Me, Fita, Bear Brand, at Lemon Square, habang 30 bata naman ang nakatanggap ng food packs na binubuo ng Lemon Square, Lucky Me, Fita, at Zesto. Bukod dito, 95 Jollibee meals ang ipinamahagi sa mga benepisyaryo at staff ng dalawang pasilidad.

Patuloy na isinusulong ng RHPU-NCR sa pamamagitan ng naturang inisyatiba ang malasakit, pakikipag-ugnayan sa komunidad, at people-centered public service bilang pagpapakita ng kanilang dedikasyon sa paglilingkod sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *