Mahigit 3,000CC na dugo, nalikom sa isinagawang bloodletting
Nasa mahigit 3,000CC ng dugo ang nalikom sa isinagawang bloodletting activity sa Hill Park Function Hall, Midsayap, Cotabato nito lamang Sabado, Pebrero 17, 2024.
Ang aktibidad na may temang “Give Blood, Give Plasma, Share Life, Share Often” ay pinangunahan ng Regional Emergency Assistance Communications Team (REACT MIDLAND) Philippines, Inc. kasama ang Philippine Red Cross.
Ito ay nilahukan ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP), Coast Guard, 34th Infantry Battalion Philippine Army, 9th Artillery Battalion, Eagles Club, St Pius Hospital, Midsayap Chamber of Commerce, Zumba Z Angels Group, Midsayap Bankers, mga studyante at stakeholders ng I-Link College of Science and Technology at mga tauhan ng 2nd Cotabato Provincial Mobile Force Company na nagsilbing mga donor.
Ang Department of Health (DOH) sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay patuloy na binibigyang importansya ang mga ganitong aktibidad upang hindi nauubusan ng suplay ng dugo sa mga ospital para sa mas madali at maayos na serbisyong pangkalusugan sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo.
Panulat ni Bam Bam