BPATs ng Ramon, Isabela, sumailalalim sa pagsasanay

Sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Barangay Peace Keeping Action Teams (BPATs) sa Barangay Bugallon Proper, Ramon, Isabela noong Pebrero 17, 2024.

Sinanay ng mga tauhan ng Ramon Police Station ang mga kalahok sa tamang paraan ng pag-aresto at handcuffing techniques. Tinalakay din sa aktibidad ang mga paksa ukol sa pamamaraan ng warrantless arrest at pamamahala sa mga menor de edad na lumalabag sa batas.

Layunin ng naturang pagsasanay na mapahusay ang kakayahan ng bawat miyembro ng BPATs bilang katuwang ng kapulisan sa pagtugon sa kriminalidad, pagpapanatili ng kapayapaan, at katahimikan sa kanilang nasasakupan.

Ang pagsisikap ng ating gobyerno na palakasin ang katatagan at seguridad ng ating lipunan ay magbibigay katuparan sa hangarin ng ating Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na bagong Pilipinas.

Source: Ramon Police Station

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *