Libreng Gupit, isinagawa ng Advocacy Support Group

Tulong-tulong ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Libreng Gupit para sa 50 na kabataan sa Sub Urban, San Jose, Rodriguez, Rizal nito lamang Pebrero 18, 2024.

Naisakatuparan ang naturang aktibidad sa inisyatibo ng GIAGI Guardians and Federation of Citizen Crime Watch katuwang ang Rizal Police Provincial Office at Rizal Provincial Mobile Force Company.

Ang naturang programa ay naglalayong maghatid ng serbisyo sa ating mga kababayan na naninirahan sa liblib na lugar at ipadama sa kanila na may mga grupong may magandang loob na katuwang ng kapulisan na handang magbigay ng libreng serbisyong pangmasa.

Source: Rodriguez MPS

Panulat ni Maria

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *