Estudyante ng Paltok Elementary School nakiisa sa Information Drive

Masayang nakiisa ang mga estudyante ng Paltok Elementary School sa isinagawang Information Drive sa Barangay Paltok, Quezon City nito lamang Miyerkules, Pebrero 21, 2024.

Mahigit 33 na estudyante ng nasabing paaralan ang nakilahok sa naturang aktibidad na tinawag na project R.E.A.D.Y. na isinagawa ng mga tauhan RPCADU NCR katuwang ang Masambong Police Station ng QCPD.

Malaking bagay ito sa mga mag-aaral na matutunan upang hindi maging biktima ng mga ilegal na droga at anumang krimen.

Alinsunod din ito sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magbigay serbisyo sa mga mamamayan at kabataan upang lahat ng pangangailangan ng bawat Pilipino ay matugunan lalo na sa usaping edukasyon para sa isang Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *