KKDAT at Force Multipliers, nakiisa sa Clean-up Drive sa Eastern Samar

Nakiisa ang mga miyembro ng Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Force Multipliers sa isinagawang Clean-up Drive sa Barangay Four Poblacion, Taft, Eastern Samar nito lamang Marso 6, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga KKDAT ng Taft National High School at Eastern Samar State University Criminology Interns kasama ang mga Force Multipliers ng Barangay sa pamumuno ni Hon. Stella Maris E. Libanan, Punong Barangay.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang aktibidad ang mga tauhan ng Taft Municipal Police Station, Taft Fire Station at mga Barangay Health Workers.

Ang pakikiisa ng naturang grupo ay pagpapakita ng kanilang hangarin na mapanatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran para maiwasan ang ano mang uri ng sakit na maaaring maidulot sa komunidad.

Layunin ng aktibidad na itaguyod ang pagbabawas at pag-recycle ng basura, mapataas ang kamalayan ng publiko sa pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.

Ang aktibidad na ito ay pagpapakita ng aming buong suporta sa “Kalinisan sa Bagong Pilipinas” Program ng ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Panulat ni Sherie-ann

https://www.facebook.com/share/p/HHZLru7Cn8ExcBn7/?mibextid=oFDknk

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *