“Jesus and I” Outreach Program isinagawa ng FourSquare Gospel Church

Nagsagawa ng “Jesus and I’ Outreach Program ang FourSquare Gospel Church sa pangunguna ni Pastor Reymel Otaza kasama ang 1st Surigao del Norte Provincial Mobile Force Company sa Sitio Tumanday, Barangay Rizal, Surigao City noong Abril 14, 2024.

Isa sa mga tampok ng aktibidad ang pamamahagi ng iba’t ibang uri ng laruan sa mahigit 100 bata mula sa Barangay Ipil, Surigao City na nagdulot ng malaking kaligayahan sa kanila.

Ang “Jesus and I” Outreach Program ay hindi lamang isang simpleng gift giving, kundi isang patunay ng pagkakaisa at pagmamahal sa kapwa na nagpapakita ng kanilang pagiging kaagapay sa pagtataguyod ng kapayapaan at kaunlaran sa lalawigan ng Surigao Del Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *