Coastal Clean-up Drive at Mangrove Planting, isinagawa sa Paracale

Nagsagawa ng Coastal Clean-up Drive at Mangrove Planting sa pangunguna ng Kiwanis Club of Paracale Golden Servant sa Sitio Munting Buhangin, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte nito lamang ika-1 ng Mayo 2024.

Kabilang sa mga nakiisa sa nasabing aktibidad ang Paracale Municipal Police Station, MENRO Paracale, mga kabataang miyembro ng KKDAT at iba pang ahensya ng gobyerno.

Ang aktibidad na ito ay naglalayong himukin ang komunidad na pangalagaan, protektahan at panatilihin ang kagandahan ng ating kalikasan para sa mga susunod na henerasyon.

Source: Paracale MPS of Camarines Norte PPO

Panulat ni Brian

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *