Skills Enhancement Training, aktibong dinaluhan ng Basagan BPATs
Aktibong dinaluhan ng mga miyembro ng Basagan BPATs ang isinagawang Skills Enhancement Training na pinangunahan ng mga personahe ng Tabaco City Police Station nito lamang ika-30 ng Abril 2024.
Pinangunahan ni PCpt Roderick B Bino, Admin Officer sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Jonathan P Lladoc, hepe ng Tabaco PNP, kasama c Pastor Billy Bisda, Community Adviser, ang pagtalakay tungkol sa Republic Act 9262, Katarungang Pambarangay at iba pang mga importanteng paksa.
Nagbigay din ng pagsasanay sa tamang pagamit ng baton, pag-aresto at kung paano maging isang First Responder kung sakaling magkaroon ng responde sa kanilang nasasakupan.
Bukod dito ay namahagi din ng mga posas sa mga tauhan ng barangay at nagkaroon din ng pagtuturo sa wastong pagamit at pangangalaga nito.
Ang aktibidad na ito ay naglalayong makatulong at magbigay ng kasanayan sa mga miyembro ng Force Multipliers upang magkaroon sila ng kaalaman na kapaki-pakinabang sa kanilang tungkulin upang mas mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Source: Tabaco City Police Station of Albay PPO
Panulat ni Brian