Advocacy Support Group, nakilahok sa Labor Day Unity Run

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Labor Day Unity Run na may temang “Nagkakaisang Manggagawang Pilipino para sa Bagong Pilipinas” na ginanap sa Iloilo Freedom Grandstand noong ika-1 ng Mayo 2024.

Ang Labor Day Unity Run ay pinangunahan ng 3rdID CMO Battalion, Philippine Army na dinaluhan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno tulad ng Philippine National Police, National Bureau of Investigation, Bureau of Fire Protection, National Intelligence Coordinating Agency at Local Government ng Iloilo City, Advocacy Support Group at Force Multipliers, United Bikers Iloilo at Leganes Zumba Club.

Ginanap sa aktibidad ang 10k at 5k fun run na sinundan ng zumba bilang pagbibigay-pugay sa mga manggagawang Pilipino na nagsusumikap para sa kaunlaran ng ating bansa.

Layunin ng aktibidad na maging inspirasyon para sa iba na sumali at makiisa sa mga adbokasiya na naglalayong magdulot ng positibong pagbabago sa lipunan.

Source: PCADG Western Visayas

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *