Advocacy Support Group, nakiisa sa Mangrove Planting Activity

Aktibong nakilahok ang mga miyembro ng Advocacy Support Group sa isinagawang Mangrove Planting Activity sa Sitio Bagacay, Barangay Daan Banua, Kabankalan City nito lamang ika-7 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Kabankalan Component City Police Station at Centennial Force Foundation Incorporated (CFFI) Advocacy Group.

Ang grupo ay matagumpay na nakapagtanim ng mga puno ng bakawan.

Layunin ng aktibidad na mapalitan ang mga nasirang bakawan sa lugar dulot ng mga kalamidad.

Patuloy ang grupo sa pakikipagtulungan sa lahat ng sektor ng lipunan upang maipagpapatuloy at mapanatili ang pangangalaga sa bakawan para sa kabutihan ng kasalukuyan at hinaharap na henerasyon.

Source: Kabankalan PCR

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *