arangay-Based Group ng Aparri, nakiisa sa Tree planting Activity
Patuloy ang aktibong pakikiisa at pagtulong ng mga miyembro ng Barangay-Based Advocacy Group sa pamamagitan ng pagsasagawa ng tree planting activity sa Barangay Sta. Clara, Sta. Ana, Cagayan noong Mayo 8, 2024.
Nakapagtanim ang grupo katuwang ang 2nd Cagayan Provincial Mobile Force Company ng 50 coconut seedlings sa nasabing lugar.
Ang aktibidad ay pagpapakita ng makakalikasan at humihikayat sa mga residente ng barangay na pangalagaan ang kapaligiran upang maiwasan ang mga sakunang dulot ng nasisirang kalikasan.
Ito ay naglalayong mapanatili at itaguyod ang katatagan ng malinis at maaliwalas na pamayanan. Gayundin, upang mapabuti ang kalidad ng mga likas na yaman at itaas ang kamalayan sa komunidad ang kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran.
Source: 2nd Cagayan PMFC