Calapan City LGU, namigay ng sports equipment sa 261 SK members

Nasa 261 Sangguniang Kabataan members mula sa unang distrito ng lalawigan ang nakatanggap ng mga sports equipment set mula sa Pamahalaang Panlalawigan sa pamamagitan ng Special Concerns Division (SCD) sa Calapan City Capitol noong Mayo 8, 2024.

Ito ay pinangunahan ng mga tauhan ng Calapan City Local Government Unit kasama ang Calapan City Police Station sa pagpapanatili ng katahimikan sa naturang lugar.

Laman ng isang sports equipment ay isang (1) bola ng basketball, bola ng volleyball, volleyball net, badminton racket, shuttle cock, at soft ball.

Bahagi ang gawaing ito ng pagpapalakas ng sektor ng kabataan sa lalawigan partikular sa usaping palakasan. Ito ay unang bugso pa lamang ng pamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan.

Sa kabuuan naman, nasa mahigit na Php4 milyong halaga ang ipapamahagi na sports equipment sa buong lalawigan.

Ito ay pagpapakita ng ating gobyerno sa ating mga kabataan na nagnanais na umunlad sa larangan ng sports sa buong lalawigan.

Source: PIA Oriental Mindoro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *