Mga estudyante, masayang nabahaginan ng mga kaalaman

Masayang nabahaginan ng mga kalaaman ang mga estudyante ng Liloy National High School sa Zamboanga del Norte nito lamang Ika-8 ng Mayo 2024.

Lubos na kagalakan ang nadarama ng 2nd Zamboanga del Norte Mobile Force Company sa pangunguna ni Police Major Bill Fernando P Jumalon kasama ang Life Coach Pastor na si Joel Laolao sa pagbabahagi ng kaalaman patungkol sa moral at ispiritwal upliftment, at information drive patungkol sa Republic Act 9165, RA 9262, RA 8049 at crime prevention tips.

Layunin ng aktibidad na ito na maibahagi sa mga estudyante ang tamang disiplina at pagiging isang mabuting mamamayan upang makamit ang ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Kaye Francisco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *