Force Multipliers, nakilahok sa Coastal Clean-up Drive

Masugid na nakilahok ang mga miyembro ng force multipliers sa isinagawang coastal clean-up drive sa Barangay Union, Nabas, Aklan nito lamang ika-9 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay inisyatibo ng 2nd Aklan Provincial Mobile Force Company, kasama ang Aklan Maritime Police Station, mga Konseho ng Barangay ng Union, Bantay Dagat at Barangay Peacekeeping Action Team.

Nagtulungan ang mga kalahok mula sa iba’t ibang sektor na linisin ang mga basura at debris sa baybayin ng naturang barangay upang bawasan ang polusyon sa karagatan at mapanatiling malinis ang kapaligiran.

Layunin ng grupo na magdala ng malaking ambag sa pangangalaga ng kalikasan at pagpapalakas ng pagtutulungan sa pagitan ng mga sektor ng lipunan upang mapanatili ang kalinisan at kagandahan ng mga baybayin sa Aklan.

Source: 2nd Aklan PMFC

Panulat ni Julius

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *