BPATs nakiisa sa pagtatanim ng libreng Fruit Trees Seedlings

Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), nakiisa sa isinagawang pagtatanim ng libreng fruit trees seedlings sa bayan ng Maasim, Sarangani, General Santos City nito lamang ika-8 ng Mayo 2024.
Ang pakikilahok ng mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) ay pinamumunuan ng LGU Maasim, kasama ang mga miyembro ng Maasim Municipal Police Station, Municipal Employees, at Barangay Officials.
Matagumpay na nakapagtanim ng mahigit 250 na fruit bearing trees ang mga lumahok sa nasabing lugar.
Layunin ng aktibidad na ito na alagaan ang kalikasan at mas padamihin pa ang mga puno ng prutas para sa mga bagong henerasyon at iligtas ang lupa mula sa global warming effects bilang suporta sa One Million Trees Project Reforestation Development Plan.
Hinihikayat naman ng ating kapulisan ang mga mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran