Bloodletting Activity, isinagawa sa Zamboanga City

Isa na namang matagumpay na blood donation ang naisakatuparan sa Bloodletting Activity na isinagawa ng Ciudad Medical Zamboanga at Mount Grace Hospital sa Ciudad Medical Zamboanga, Zamboanga City nito lamang ika-17 ng Mayo 2024.

Naging matagumpay ang aktibidad sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battallion 9 sa pamumuno ni Police Colonel Joseph L Ortega, Force Commander ng RMFB 9 at iba pang may mabuting puso na nakilahok sa nasabing bloodletting activity.

Layunin ng aktibidad na ito na magkaroon ng pondo na mga dugo para makatulong sa mga pasyente na nangangailangan upang madugtungan ang kanilang buhay.

Magiging kamulatan din ito sa publiko na maaari nilang ibahagi ang kanilang dugo para makatulong at maligtas ang mga taong nangangailangan.

Panulat ni Joyce Franco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *