BPATs, nakiisa sa isinagawang lecture sa Zamboanga del Norte

Nakiisa ang mga Barangay Peacekeeping Action Team sa isinagawang lecture patungkol sa Drug Awareness sa Barangay Lipakan, Salug, Zamboanga del Norte kaugnay sa BIDA program ng Department of Interior and Local Government nito lamang ika-20 ng Mayo 2024.

Pinangunahan ito ng mga tauhan ng Salug Municipal Police Station sa pangunguna ni PCMS Pet Andy T Cariño, Chief Investigator at Patrolman Ronald A Cajan Jr, MCAD PNCO kasama ang mga Barangay Officials sa nasabing lugar.

Layunin ng aktibidad na ito na maibahagi sa mga tanod ang kanilang mga kaalaman at makaimpluwensya ng tamang disiplina na kinakailangan sa araw-araw na gawain at pagiging isang mabuting mamamayan ng isang bansa upang makamit ang ligtas, masaya, at maunlad na Bagong Pilipinas.

Panulat ni Kaye Francisco

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *