Bayan ng Maasim, nakiisa sa Nationwide Kalinisan sa Bagong Pilipinas Program

Aktibong nakiisa ang mga miyembro ng Local na Pamahalaan ng Maasim sa isinagawang Nationwide Kalinisan sa Bagong Pilipinas sa Brgy. Colo, Maasim, Sarangani Province nito lamang Mayo 20, 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) 12 katuwang ang Maasim PNP sa pangunguna ni Police Major Herman Luna, kasama ang Bureau of Fire Protection, Barangay Officials ng Barangay Colon at mga residente ng nasabing barangay.

Masigasig na nagpulot ng samu’t saring basura ang nasabing grupo sa baybayin, at patuloy na pinapaalalahanan ang komunidad na itapon sa tamang basurahan ang kanilang mga basura.

Layunin ng Kalinisan Program na mapanatili ang malusog at ligtas na kapaligiran para sa lahat.

Panulat ni Toleme

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *