Clean-up Drive, Isinagawa ng KKDAT sa Surigao Del Sur

Matagumpay na isinagawa ng Barobo Municipal Police Station ang isang Clean-up Drive kasama ang Advocacy Support Group na Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) na ginanap sa Barangay Gymnasium, Barangay Dughan, Barobo, Surigao del Sur noong Mayo 18, 2024.

Sa pagtutulungan ng mga KKDAT at ng iba pang boluntaryo, ang aktibidad ay hindi lamang naglalayon na linisin ang paligid kundi pati na rin magbigay kamalayan sa kahalagahan ng pagkakaroon ng malinis at ligtas na kapaligiran.

Layunin ng nasabing aktibidad na hikayatin ang mga mamamayan na maging mas responsable sa pangangalaga sa kalinisan ng kanilang lugar upang mabawasan ang maaaring magdulot ng polusyon at mga sakit, sa gayon ay mapanatili ang kalusugan at kaligtasan ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *