Cabiguhan Kaunlaram Farmer’s Association, sumailalim sa pagsasanay

Sumailalim sa Vegetable Production Technology at Organic Fertilizer Production Training ang 24 na miyembro ng Cabiguhan Kaunlaram Farmer’s Association sa Gubat, Sorsogon nito lamang Mayo 22, 2024.

Ang aktibidad ay matagumpay na naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng mga personahe ng Sorsogon 1st PMFC R-PSB Team sa pamumuno ni PMaj Neil Jasper O Agnote katuwang ang Office of The Municipal Agriculturist LGU-Gubat na pinamumunuan ni Mr. Justine F. Orcio.

Layunin nito ang pagbibigay ng nararapat na kaalaman at tulong pangkabuhayan sa mga benepisyaryong magsasaka upang magkaroon ng pagkakakitaan.

Photos Credit/Source: RPSB Sorsogon First PMFC

Panulat ni Brian B Imperial

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *