KKDAT nakiisa sa Outreach Program sa Quezon, Nueva Vizcaya

Aktibong nakiisa ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) sa isinagawang Community Outreach Program na ginanap sa Cabinnuangan Elementary School, Sitio Cabinnuangan, Barangay Runruno, Quezon, Nueva Vizcaya noong Mayo 20, 2024.

Katuwang sa aktibidad ang mga miyembro ng 86th Infantry Highlander – Battalion, 5 Infantry Division, Philippine Army at Quezon Municipal Police Station.

Hindi alintana ng grupo ang mainit na panahon, gayundin ang pag-akyat sa bundok upang maiparating sa mga benepisyaryo ang libreng school supplies, libreng gupit, at pagkakaroon ng feeding program.

Labis na galak at kasiyahan sa mga mukha ng mga mag-aaral gayundin ang pasasalamat ng mga guro ng paaralan dahil sa patuloy na pagsuporta ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mga estudyante ng nasabing paaralan.

Layunin ng aktibidad na ito na matugunan ang ibang pangangailangan ng mga kabataan at maisakatuparan ang pagsulong ng kaayusan at kapayapaan sa komunidad tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: Quezon MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *