Tatlong Balay Pagdadarnan, pinasinayaan sa Apayao

Pinasinayaan at ipinasa ang tatlong Balay Pagdadarnan sa Marag Elementary School, Cagandungan West Elementary School, at Calabigan Elementary School nito lamang ika-23 ng Mayo 2024.

Ang aktibidad ay pinangunahan nina Gobernador Elias Bulut, Jr., kinatawan ng Apayao Eleanor Bulut-Begtang, at mga opisyal na pinangunahan ni Luna Mayor Josephine Bangsil at Bise Mayor Manolito Bullaoit.

Ang ginanap na seremonya ay nasaksihan ng mga opisyal ng tatlong paaralan, mga opisyal ng School’s Division ng Apayao, mga opisyal ng barangay, at mga tao mula sa komunidad, kabilang ang mga mag-aaral.

Ang Balay Pagdadarnan, na ang ibig sabihin ay “pook ng pagpupulong” sa Isnag, ay isang inisyatiba ng pamahalaang panlalawigan ng Apayao na idinisenyo upang magsilbing lugar para sa mga aktibidad ng paaralan at komunidad habang nagsisilbing evacuation centers sa panahon ng mga emergency.

Ito ang pangatlong hanay ng Balay Pagdadarnan na pinasinayaan ngayong taon at dalawa pang Balay Pagdadarnan ang nakatakdang ipasa ngayong taon sa Anninipan at Malayugan sa bayan ng Flora.

Inaasahang matatapos ngayong taon ang anim pang Balay Pagdadarnan, isa sa bawat bayan ng Luna, Pudtol, Flora, Calanasan, Kabugao, at Conner.

Panulat ni Melanie

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *