Salaam Advocacy Summit at Oathtaking isinagawa sa Camp Karingal, Quezon City

Matagumpay na naisagawa ang Salaam Advocacy Summit at Oathtaking ng mga bagong miyembro ng Salaam Advocacy Support Group na ginanap sa Social Hinirang Hall, Camp Karingal, Quezon City nito lamang Huwebes, Mayo 23, 2024.

Ito ay pinangunahan ni Quezon City Police District Director, PBGen Redrico A Maranan kasama ang iba pang mga matataas na opisyales ng PNP, Quezon City Bangsamoro Affairs; LtCol Demier Bacasmas, Direktor, 130 2nd Community Defense Center, NCR at Ustadz Yunus Muarip, Adviser, Salaam Force Multipliers.

Inaasahan na ang mga bagong talagang mga opisyal ng Salaam Advocacy Support Group ay makikiisa sa magandang hangarin ng pamahalaan at bibigyang kahalagahan ang kanilang tinanggap na tungkulin.

Layunin ng aktibidad na ito na paigtingin ang maayos na relasyon ng mga pulis at Muslim community sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan sa bansa tungo sa Bagong Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *