Provincial Fisherfolk Assembly, isinagawa sa pagdiriwang ng 15th Grand Ammungan Festival
Sa pagsisikap na bigyang-diin ang mahahalagang tungkulin ng mga mangingisda sa lalawigan, nagsagawa ang Department of Agriculture (DA) -Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Region 2 ng Provincial Fisherfolk Assembly bilang bahagi ng pagdiriwang ng 15th Grand Ammungan Festival sa Ammungan Hall, Capitol Compound Bayombong, Nueva Vizcaya nito lamang ika-27 ng Mayo 2024.
Ang nasabing aktibidad ay dinaluhan ng mga pangunahing opisyal ng DA-BFAR 2, Dr. Evelyn C. Ame, Chief RFTFCD, G. Absalom Rizal D. Baysa, Provincial Agriculturist, Provincial Fishery Officer, G. Jay Arre M. Usquisa at iba pang stakeholders ng fisheries.
Dinaluhan din ito ng mga kinatawan ng mangingisda mula sa 15 munisipalidad ng lalawigan.
Isa sa mga ipinakilalang teknolohiya ay ang paggamit ng Effective Microorganisms Activated Solution (EMAS), bilang paraan upang epektibong pamahalaan ang mga sistema ng produksyon.
Gayundin, ipinakita rin ang Balik Sigla sa mga Ilog at Lawa (BASIL) Program, isang inisyatiba ng pamamahala na idinisenyo para sa pagpapanumbalik ng mga lawa at ilog.
Samantala, ang mga aktibidad tulad ng makabagong teknolohiya ay makakatulong sa mga magsasaka at mangingisda upang mapaunlad at mapalakas ang produksyon lalo na sa larangan ng agrikultura.