Coastal Clean-up Drive pinangunahan ng DENR 12

Pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) 12 ang Coastal Clean-up Drive sa Barangay Gumasa, Glan, Sarangani Province nito lamang ika-9 ng Hunyo 2024.

Katuwang sa naturang aktibidad ang mga miyembro ng PNP Maritime Group, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard at Advocacy Support Group na sama-sama at tulong-tulong sa paglilinis ng dalampasigan.

Layunin ng programa na makatulong sa pagbabawas ng basura sa ating kapaligiran at upang i-recycle ang karamihan sa mga basura na nakolekta tulad ng mga plastik at metal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *